-- Advertisements --

Inilabas na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang unang apat pelikula para sa 2020 edition.

Binubuo ito ng pelikulang ” Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan” isang horror film na gawa ni direk Chito Rono at pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Angie Ferro.

https://www.facebook.com/mmffofficial/posts/2837277906376988

Ang “Magikland” mula sa direksyon ni Christian Acuna na isang Fantasy Adventure Film na pinagbibidahan nina Jun Urbano, Migs Cuaderno, Bibeth Orteza at Elijah Aleto.

Kasama rin sa listahan ang comedy film na “Praybeyt Benjamin 3” na pinagbibidahan ni Vice Ganda.

Kabilang sa listahan ang comedy horror film na “The Exorcism Of My Siszums” na gawa ni Fifth Solomon at pinagbibidahan ng makapatid na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga.

Magugunitang kinansela na ng MMFF kauna-unahang summer festival dahil sa coronavirus pandemic.