-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patuloy ngayong mino-monitor ang kalagayan ng apat na mga miyembro ng isang pamilya sa Brgy. 20-B, Poblacion District nitong lungsod matapos na pareho itong nahawa ng Covid-19.

Sa kasalukuyan ay naka-isolate na ang nasabing pamilya at sinabi ni Brgy. 20-B Kapitan Gina Murillo na nagpapatuloy ngayon ang ginagawang contact tracing sa mga huling nakasalamuha ng mga ito.

Nabatid na nahuli ang mga ito matapos na dumalo ang mga dumalo sa isang outing sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte.

Una nang sinabi ni Brgy. Capt. Murillo na nasa 14 na mga aktibong kaso ang naitala sa kanilang lugar kung saan karamihan sa mga ito ay dumalo sa isang outing sa isla.

Nilinaw nito na may dalawang senior citizen at isang siyam na taong gulang sa nasabing pamilya ang nahawa rin ng virus.

Kabilang din sa mga nagpositibo ang kanilang mga kasamahan sa bahay o mga F1 closed contact.

Sa kasalukuyan, patuloy ang ginawang contact tracing ng mga otoridad sa mga posibleng nakasama ng mga nagpositibo.