Screenshot 2020 06 06 10 58 56

TACLOBAN CITY – Boluntaryong summurender ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga pulis sa Barangay Gaas, Baybay City, Leyte.

Ayon kay Police Lt. Hazel Vacal, tagapagsalita ng Leyte Police provincial office (LPPO), kinilala ang naturang mga miyembro ng NPA na sina alyas Leo, 48, alyas Joel, 53, Dondon, 32 parehong mga residente ng Marabut, Samar gayundin si alyas Edil 60 residente ng Sulat, Eastern Samar.

Isinuko naman ng mga ito ang anim na armas kasama ang ilang bala.

Makakatanggap naman ang naturang surrenderees ng assistance mula gobyerno sa pamamagitan ng Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).