NAGA CITY- Apat na mga estudyante mula sa isang paaralan sa Pili, Camarines Sur ang nahuli na gumagamit ng iligal na droga.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na itinurn over ng Grade 8 Science teacher na si Ivy Dianne De Lima at Ivy Bautista, School Registrar ang mga menor de edad na umano’y sangkot sa pagpapakalatng marijuana sa loob ng paaralan.
Nabatid na narekober ni De Lima sa mga ito ang posporo at pinatuyong dahon ng marijuana.
Sa ngayon, naiturn over na sa Municipal Social and Welfare Office ang naturang mga menor de edad para sa intervention habang naipasa na rin sa Provincial Crime Laboratory Office para sa eksaminasyon ang umano’y mga marijuana.
Samantala, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng supplier ng marijuana sa naturang school campus.