-- Advertisements --
PBBM10 1

Inanunsiyo ng Palasyo ng Malacañang ang mga karagdagang military facilities ng Pilipinas kung saan mabibigyan ng access ang mga sundalo ng Amerika sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Kabilang sa bagong EDCA sites ay ang Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan.

Maigi aniyang ininspeksiyon at sinuri ng Philippine Army ang naturang mga site.

Nilinaw naman ni US Defense Secretary Lloyd Austin III na hindi inaatim ng Amerika na magtatag ng permanenteng military bases sa Pilipinas.

Sa ilalim ng EDCA sa pagitan ng US at Pilipinas na nilagdaan noong 2014, ipinagbabawal ang permanent basing subalit ginagarantiyahan nito ang pagbibigay ng access sa mga sundalo ng Amerika sa mga deaignated military facilities ng Pilipinas, pagpapatayo ng mga pasilidad at pre-position ng mga equipment, aircraft at vessels.

Ang naunang limang EDCA sites ay ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu, at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City.