Umakyat na sa lima ang nasawi dahil sa malakas na 7.0 magnitude na lindol na tumama nitong Miyerkules ng umaga kung saan ang naging epicenter ay ang lalawigan ng Abra.
Sa report ni Bombo Mark Joshua Cabasan mula sa bayan ng Bangued, isa umanong 23-anyos na babae ang namatay doon.
Habang 54 indibidwal naman ang nasaktan sa malakas na pagyanig.
Sa bahagi naman ng Cordillera, batay sa nakuhang impormasyon Bombo Radyo Baguio nasa tatlong mga residente ang binawian ng buhay.
Liban nito, umaabot na rin sa 57 ang mga sugatan.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Ilocos Sur Gov. Jerry Singson, kinumpirma nito na isa rin ang nasawi sa kanilang lalawigan.
Ilang mga simbahan din at mga tourism spot ang napinsal ang mga istruktura.
Sa Abra may apat na tulay ang “partially damaged” at apat na munisipalidad ang isolated.
Samantala, sa report naman ni DILG Secretary Benhur Abalos. umaabot sa 31 na mga landslides ang naitala.
Kabilang din sa mga apektadong probinsiya ay umaabot sa 15 kung saan kasama na rito ang 15 siyudad at nasa 280 municipalities.