BACOLOD CITY – Tatlong bayan at isang component city sa lalawigan ng Negros Occidental ang nagdeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s (CPP-NPA) Army bilang persona non grata.
Ayon sa rekord ng Negros Occidental Police Provincial Office, naipasa na ng Sangguniang Bayan (SB) ng Binalbagan, Pontevedra at San Enrique at Sangguniang Panlungsod (SP) ng Sagay ang resolusyon na nagdedeklara sa CPP-NPA bilang persona non grata.
Ayon sa mga SB at SP members, hindi welcome sa kanilang lugar ang mga miyembro ng komunistang grupo.
Nabatid na hinikayat ng Department of the Interior and Local Government ang mga LGUs na ideklara ang CPP-NPA bilang persona non grata bilang significant victory sa layunin ng pamahalaan na matigil na ang communist terrorism at ang mga grupo na tumutulong sa kanila.
Noong nakaraang mga buwan, idineklara na rin ng Bacolod City, San Carlos at Escalante City, La Castellana, Isabela, Toboso at Calatrava na persona non grata ang CPP-NPA.