-- Advertisements --
Philippines China Outbreak
Students wearing protective masks join a school activity in Manila, Philippines on Friday, Jan. 31, 2020. The World Health Organization declared the outbreak sparked by a new virus in China that has spread to more than a dozen countries a global emergency after the number of cases spiked more than tenfold in a week, including the highest death toll in a 24-hour period reported Friday. Health officials in the country recently confirmed the Philippines’ first case of the new virus. (AP Photo/Aaron Favila)

Tanging apat lamang mula sa 10 Pilipino ang nagpahayag na kuntento sila sa programang senior high school sa bansa.

Ito ay base sa lumabas na survey mula sa Pulse Asia na kinomisyon ni Senator Sherwin Garchalian na isinagawa noong Hunyo 19 hanggang 23 ng kasalukuyang taon.

Sa naturang survey, nasa 41% lamang ng 1,200 respondents sa buong bansa ang nagsabing kuntento sila sa senior high school habang bahagyang mas mataas o 42% ang nagsabing hindi sila kontento at 16% naman ang hindi masabi kung sila ay kontento o hindi.

Malaking porsyento ng nagpahayag na hindi kontento ay sa National Capital Region (53%) habang 31% lamang ang nagsabing kontento sila.

Sa Luzon, 435 ang kontento habang 35% ang hindikontento samantalang sa Visayas naman, parehong 42% ang nagsabing kontento at hindi sila kontento sa senior high school.

Sa Mindanao naman, halos kalahati o 49% ng respondents ang hindi naisisyahan habang nasa 42% ang kontento.

Ayon kay Senator Gatchalian, hindi kuntento ang ating mga kababayan sa senior high school dahil bigo itong makamit ang layunin nito na gawing college-ready at work-ready ang mga nagsipagtapos sa senior high school.

Saad pa ng Senador na siya ring tumatayong Senate committee on basic education chair na para sa mga magulang dadag gastos lamang ang dalawang taon na idinagdag sa high school.