SA LALAWIGAN NG NUEVA VIZCAYA- Mahaharap sa kasong multiple attempted homicide ang isang tricycle driver sa Aritao, matapos pagtatagain ang apat na katao sa Sitio Langka, Barangay Canabuan.

-- Advertisement --

Ang pinaghihinalaan ay si Manny Locensio, 42 taong gulang, may asawa at isang tricycle driver, habang ang mga biktma ay sina Junior Cacayan, 41 taong gulang, may lasawa,Dante Cacayan , 22 taong gulang,binata, magsasaka, Nilo Cacayan, 22 taong gulang, binata magsasaka, at Richard Palangsian, l17 gulang,binata, magsasaka at isang estudyante.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Corporal Romel Wakit, tagasiyasat ng Aritao Police Station, sinabi niya na nagtungo sa himpilan ng Pulisya si Barangay Kagawad Ben Alvares at ipinaalam ang insidente ng pananaga sa barangay Canabuan.

Batay sa kanilang pagsisisyasat napag-alamang nagtungo umano ang pinaghihinalaan at ang mga biktima sa isang Birthday Party.

Habang pauwi ang mga biktima at napadaan sa tapat ng bahay ng pinaghihinalaan ay bigla nalamang tinaga ni Locensio si Cacayan.

Sinubukan naman itong awatin ng tatlo pang biktima subalit maging sila ay pinagtataga ng pinaghihinalaan.

Ayon kay Locensio, napagkamalan lamang niya si Cacayan na kaniyang bayaw na siya sanang puntirya nito sa pananaga.

Inihahanda na ang kasong Multiple attempted Homicide laban sa suspek na umanoy nasangkot na rin sa ilang mga insidente na naitala na sa police blotter maliban pa sa kasong paglabag sa Violence Against Women and their Children Act.