Kinumpirma ng mga otoridad sa Estados Unidos na apat na indibidwal na ang naitatala nilang nasawi dahil sa pag-inom ng methanol-based hand sanitizer.
Ginagamit ang alcohol-based santizier upang pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease ngunit kahit kailan ay hindi nirerekomenda ng Amerika ang pag-inom nito.
Dahil dito ay 15 indibidwal na umano ang nalason mula sa Arizona at New Mexico simula noong buwan ng Mayo at Hunyo. Ayon pa sa Centers for Disease Control and Prevention, bukod sa apat na namatay ay may tatlo pang nasa ospital at kasalukuyang nakakaranas ng problema sa paningin.
Halos lahat ng mga ito ay uminom ng santinizers na may methanol o wood alcohol. Nagpaalala ang CDC na ang tanging active ingredient na mayroon sa mga lehitimong sanitizers ay ethyl alcohol nguniot may mga kumpnaya raw kasi na pinapalitan ito ng poisonous methanol o antifreeze.
Una nang nagbabala ang U.S. Food and Drug Administration ng babala noong Hunyo tungkol sa Mexican-made hand sanitizer gel dahil masyado umanong marami ang laman nitong methanol.
Simula noon ay dinagdagan pa ng FDA ang mga produkto na nasa kanilang listahan ng mga hand sanitizers na dapat iwasan ng mamamayan.