NAGA CITY – Sugatan ang apat katao na sangkot sa banggaan ng motorsiklo at van sa may Maharlika Highway, Brgy San Gabriel, Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina, Roberto Del Castillo 57-anyos, Dariel Jalayyajay, 22-anyos, Adrian Cledera 39-anyos at Juben Paypon, 50-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, sinasabing galing umano sa magkaibang direksyon ang dalawang sasakyan at nabangga umano ang motorsiklo ng nag-overtake na van.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.