-- Advertisements --
LAOAG CITY – Arestado ang apat na idibiduwal sa isinagawang anti illegal gambling operation sa Sitio Panabuan iti Brgy. 39-Pasiocan sa bayan ng Bacarra.
Kinilala ni Police Major Arnel Tabaog, ang hepe ngPNP-Bacarra ang mga nahuli na sina Jaypee Abucay Sahagun, 35-anyos, Roque Mariano, 50-anyog, Hipolito Gaoiran, 48-anyos at si Vee Balbin, 28-anyos.
Ayon kay Tabaog, sininagawa nila ang operasyon matapos makatanggap ng report hinggil sa iligal na aktibidad ng mga ito sa isang lamay.
Sinabi niya na naaktuhan nila ang mga suspek na naglalaro ng lucky-9 kung saan nakumpiska ang P4,799 na pusta, isang lamesa, upuan at table cloth.