-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal sa Department of Justice (DoJ) ang apat na importer at mga broker matapos masangkot sa smuggling ng mga kontrabando sa Bureau of Customs (BoC).

Kabilang sa mga kinasuhan sina Emmanuel Sulit ng Meraki Cart Trading at broker na si Nocanor Sangcad dahil sa hindi idineklaranf shipment na isang unit ng kulay na itim na Renault van noong Pebrero 16, 2020 sa Port of Manila.

Kinasuhan din si Lovely Joy Pandes, may-ari ng Llorin Trading at Customs broker na si Christelle Joyce Tabusares dahil hindi rin idineklara ang kargamento na isang unit ng mclaren 620R na dumating sa Port of Manila noong July 16, 2020.

Kinasuhan din sina Denmark Locrw ng Flexhale Trading at Customs broker na si Debbie Mae Tria dahil sa iligal na importasyon at misdecration ng aluminum windw frames and accessories.

Kasama pa sa mga kinasuhan si Chang Luy Mohammas, Filipino passenger na nahulian ng $491,600 sa kanyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nooong Setyembre 21, 2019.

Kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at Article 172 ang isinampa ng BoC Action Team laban sa mga respondent.