-- Advertisements --
image 144

Tinukoy ni Department of National Defense (DND) chief Carlito Galvez Jr ang apat na areas na pagtutuunan ng pansin para sa modernisasyon ng military alliance sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

Ginawa ni Galvez ang pahayag kasunod ng ikatlong ministerial meeting ng Amerika at Pilipinas sa Washington DC kasama si US Department of Defense Secretary Lloyd Austin III.

Una, ang pagkakaroon ng common understanding sa mga polisiya at prayoridad ng dalawang bansa sa pmamagitan ng defense guidelines at pag-upgrade ng kanilang mga kagamitan para ma-sustain ang military capabilities sa pagtugon ng mga security threats.

Ikalawa, ang cyber defense ng parehong nasyon ay dapat na mapalakas upang maprotektahan ang mga kritikal na imprastruktura at sensitibong mga impormasyon.

Ikatlo, kailangan na mapataas ang intelligence sharing at kooperasyon ng dalawang bansa at pagtugon sa mga hamon.

Ikaapat, kailangang magkaroon ng improvements sa interoperability sa pagitan ng pwersa ng Amerika at Pilipinas para sa mas maayos na koordinasyon at pagsasagawa ng joint activities.

Muling iginiit naman ni Galvez na ang defense alliance sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ay para sa kapayapaan.