Dahil pa rin sa pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sisimulan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang four-day work week.
Ayon sa DOLE epektibo na sa kanilang mga tanggapan ang apat na araw na pasok sa isang linggo simula Marso 16, 2020.
Sa administrative order No. 99 na pirmado ni Labor Sec. Silvestre Bello III, sakop ng four-day work week ang DOLE Central Office sa Intramuros, Manila, kasama na ang Regional Offices, Bureaus at Field Offices ng ahensiya.
Gayundin ang Attached Agencies ng DOLE na:
- Employees Compensation Commission
- Institute for Labor Studies
- Occupational Safety and Health Center
- National Conciliation and Mediation Board
- National Labor Relations Commission
- National Maritime Polytechnic
- National Wages and Productivity Commission
- Philippine Overseas Employment Administration
- Professional Regulation Commission
- Overseas Workers Welfare Administration
Ang working hours o oras ng pasok ay magsisimula ng alas-ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi mula Lunes hanggang Huwebes.
Biyernes ang magiging day-off ng mga empleyado.
Ito ay isang precautionary measure upang maiwasan ang paglawak ng COVID-29 alinsunod sa Presidential Proclamation 922 na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency.