-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang pagserbisyo ng Bula PNP sa General Santos City kahit may apat na mga bilanggo ang nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang presinto.

Ayon kay Police Lt. Omar Barit, deputy chief ng Bula PNP na dalawang pulis ang close contact ng mga ito kaya isinailalim sa quarantine at hinihintay sa ngayon ang resulta ng kanilang swab test.

Dagdag pa ni Barit na nagtala ng kaso ng COVID-19 sa kanilang presinto matapos mabilanggo ang dalawang suspek sa pagsaksak patay sa isang miyemro ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) na nahawaan ng virus.

Napag-alaman na ang biktima ng mga suspek ay nagpositibo sa COVID-19 kaya isinailalim sa swab test ang dalawa at positibo rin sa virus.

Ang kanyang panawagan sa nais kumuha ng travel authortiy ay puwede pumunta sa ibang mga presinto sa lungsod.

Hindi na dinala sa barangay isolation facility ang naturang mga bilanggo dahil hindi nagbigay na otorisasyon ang korte.

Sa mga nais magpa-blotter pwede pa rin pumunta sa kanilang presinto dahil bukas ang kanilang compound maliban sa gusali kung saan nabilanggo ang mga nagpositibo sa COVID-19.