-- Advertisements --

Arestado ang apat na indibidwal na hinihinalang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) sa isinagawang Oplan Olea at Oplan Salikop ng PNP sa Barangay Talabaan, Zamboanga City.

Batay sa report ng PNP, pinagsanib na pwersa ng CIDG RFU9, CIDG MCIU, Special Action Force (SAF), Regional Intelligence Unit, NICA 9 at RID9 ang nanguna sa operasyon.

Ipinatupad lamang ng mga otoridad ang search warrant dahil sa paglabag ng ng RA 9516 na inisyu ni Hon Judge Virgilio Macaraeg ng RTC National Capital Judicial Region.

Sa nasabing operasyon arestado ang limang babae at pagkumpiska ng dalawang fragmentation grenade, siyam na 9 volts battery, 1-9 volts battery na may switch, isang green eco bag na may lamang hinihinalang ammonium nitrate, timer with wire, concrete nails,wires at dalawang non-electric blasting caps with safety cover.

Nakilala naman ang limang mga babaeng suspeks na sina:

1.) Jainab Ibrahim @ Aswajun Mutahhara @Almaida Marani Salvin

2.) Khadeeja Tawasil Jainal

3.) Aburarafi Jalas Danial

4.) Fatima Musa Narimen

Sa report ng mga otoridad ang apat na naarestong mga babae ay followers umano’y ni ASG Leader Hatib Hajan Sawadjaan.

Napag-alaman na ang apat na babae ay mga asawa ng mga ASG leaders na siyang ginagamit ng teroristang grupo para sa kanilang financial transactions,procurement and transportation ng mga armas at pampasabog.

Ang mga ito din umano ang siyang nagpa facilitate sa recruitment at travel ng mga banyagang terorista patungo sa bansa.