LA UNION – Inihahanda na ng pulisya, kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang kaso laban sa apat na lalaking nagtangkang magpupuslit ng illegal logs sa Balaoan, La Union.
Kinilala ang mga naarestong sina Eduardo Turalba, 50; John Mark Dacalcap, 18; at Jayson Ogale, 23, mga residente sa bayan ng Santol.
Kasama rin ang driver ng 10-wheeler truck na si Jaime Blaza, 53, na mula Ilocos Sur.
Batay sa ulat ng Balaoan Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil naturang sasakyan na may kargang mga putol na sanga ng puno kaya sinita nila ang mga pahinante nito.
Nabigong magpakita ng kaukulang dokumento mula sa DENR ang mga suspek kaya naaresto ang mga ito.
Nakumpiska ang mga kahoy ng punong acacia na may sukat na 2,506 board feet at tinatayang nagkakahalaga ng P88,000.
Pati na ang 10-wheeler truck na ginamit sa transportasyon.
Hawak na ngayon ng DENR ang mga nakumpiska na magsisilbing ebidensya laban sa mga suspek.
Kasong paglabag sa Forestry Code of the Philippines o Presidential Decree 705 ang reklamong kakaharapin ng mga nahuling kalalakihan