Nagbigay ng babala ang Iranian Armed Forces na anumang pag-atake sa kanilang oil at energy infrastructure ay kanilang tutugunan ng pambobomba sa mga energy facilities ng mga kumpanyang kaalyado ng U.S. sa rehiyon.
Ayon sa Al-Anbiya Central Headquarters ng militar, ang mga kumpanya ay kanilang agad na sisirain at pupulbusin.
Gayunpaman, sinabi ng isang Iranian official na normal ang operasyon sa Kharg Island matapos ang mga pag-atake na isinagawa ng Estados Unidos. Ani Ehsan Jahaniyan, deputy governor ng Bushehr province, “Export and import operations, as well as the activities of companies based on the island, are currently ongoing.”
Dagdag pa niya, hindi naapektuhan ang pamumuhay ng mga residente doon at walang nasawi na mga military personnel, company employees, at ilang residente sa naturang isla.
Ang Kharg, isang maliit na coral island ay maylayong 33 km mula sa baybayin ng Iran, at isa sa pangunahing terminal kung saan dumadaan ang halos lahat ng oil exports ng bansa.
Ang isla din ay may storage tanks at pabahay para sa libu-libong manggagawa, na ginagawa itong asset para sa ekonomiya ng Iran.
Kung mawalan ng kontrol sa Kharg, mahihirapan ang Iran at mapipilay ang operasyon ng militar, na magiging leverage para sa Amerika.
Ayon sa JPMorgan, ang anumang direktang atake sa isla ay maaaring huminto ang karamihan ng crude exports ng Iran at posibleng magdulot ng seryosong retaliation sa Strait of Hormuz.
Batay naman sa obserbasyon ng Tankertrackers.com, dalawang oil tankers ang nakadaong sa Kharg ilang oras pagkatapos ng US strikes, kabilang ang isang large crude carrier na may kapasidad na halos 2 milyon bariles ng langis, na nagpapatunay na patuloy ang mga operasyon sa isla.














