
Arestado ang apat na indibidwal kabilang ang dalawang Korean nationals dahil sa pagbebenta ng iligal na armas sa Las Piñas.
Ayon kay PNP CIDG director Major General Albert Ignatius Ferro, isang Chinese informant ang nagbigay ng impormasyon sa PNP CIDG na ang mga naturang suspeks ay mga firearms dealers at sa pamamagitan ng online transaksiyon.
Matapos ma-validate ang impormasyon, agad nagkasa ng buy-bust operations ang CIDG-NCR Field Unit kung saan isang operatiba ang nagpanggap na poseur-buyer.
Kinilala ni Ferro ang mga nahuling suspeks na sina Han Bao, 29, Hu Zhi, 29, Tomas Adonis at Patrick Rowan.
Nakuha sa mga suspek ang skimming device, iba’t ibang Chinese credit cards, iba pang gadgets para sa credit card cloning at text blaster.
Gayundin ang mga samu’t saring uri armas, bala at silencer.
Kasong paglabag sa RA 10591 at RA 8484 as amended by RA 11449.

Pinuri ni Ferro ang mga tauhan ng CIDG-NCR sa kanilang matagumpay na operasyon.
Tiniyak naman ni Ferro ang patuloy na operasyon upang matigil na ang bentahan ng iligal na armas at mahuli ang mga nasa likod nito.
















