Apat na anti-personnel mines na umaabot sa higit 14 na kilo ang bigat ang narekober ng mga police operatives at militar sa kabundukan ng Llorente sa Eastern Samar.
Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP region 8 regional police director BGen. Rolando De Jesus kaniyang sinabi na narekober nuong Miyerkules ang mga nasabing improvised explosive device (IED) na itinago ng Communist Terrorist Group.
Nakatanggap kasi ang PNP ng impormasyon hinggil sa mga nakatagong IED, dahilan para agad maglunsad ng operasyon ang S2 ng Eastern Samar PPO kasama ang mga tropa ng 78th Infantry Battalion.
Ng marating ng mga otoridad ang lugar tumambad sa kanila ang mga nakatagong IED.
Narekober sa lugar ang apat na anti-personnel mine na kinabibilangan ng 7 kilos landmine; Clamore mine na 2 1/2 kilos; anim na kilo ng clamor mine.
Sinabi ni De Jesus kasalukuyang nasa kustodiya ng Eastern Samar Police Provincial Office para sa kaukulang disposition.
Samantala, ongoing ang inventory ng PNP region 8 sa mga nasabat na armas mula sa apat na indibidwal sa may Allen, Samar.
Patungo sa Maguindanao ang mga suspeks mula sila sa Taguig City dito sa Metro Manila.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Northern Samar PPO ang apat na suspeks na nakilalang sina Roger Daud Baguindali, Daud Kumarang Ludungan, Wahid Ismael Yusop at Abdul Gapur.
Ang apat ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591.
Sinabi ni De Jesus dahil sa pinalakas na kampanya ng PNP laban sa loose firearms dahilan nasabat ang mga suspeks.
Kanila ng iniimbestigahan kung ang mga nasabing baril ay gagamitin ng mga Private Armed Groups (PAGs) sa nalalapit na halalan.