-- Advertisements --
Target ng Department of Tourism (DOT) na na makapagtala ng 4.8 million tourist arrivals sa bansa ngayong taon.
Ito ay doble sa nairehistrong bilang ng mga turista na bumisita sa bansa noong nakalipas na taon.
Nasa kabuuang 2.6 million mga turista ang bumisita sa Pilipinas noong 2022 matapos na buksan ang borders ng bansa para sa lahat ng international travelers noong Pebrero ng nakalipas na taon.
Nauna ng nagpahayag ng pagiging positibo ang Pangulo na tataas ang foreign at local travelers kasabay ng pagbabalik normal ng mga aktibidad sa sektor ng turismo