-- Advertisements --
Nakatakdang aprubahan ng US Health Officials ang kanilang ikatlong COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Admiral Brett Giroir, ang assistant secretary ng US health department, na kanilang hinihintay ang data ng coronavirus vaccine test na isinagawa ng Johnson & Johnson at Janssen.
Dagdag pa nito na pagdating sa Hunyo 2021 ay lahat aniya ng mga mamamayan ng America na nais makakuha ng bakuna ay kanilang mapagbibigyan.
Magugunitang inaprubahan ng US Food and Drugs Administration (FDA) ang COVID-19 vaccine ng Pfizer at Moderna.