Nakatakdang dumating sa Pilipinas sa lalong madaling panahon ang 3 million doses ng bakuna kontra sa nakakahawang pertussis ayon sa Department of Health (DOH).
Kabilang sa mga bakunang darating ay ang tinatawag na pentavalent shots, na pumoprotekta din laban sa iba pang vaccine-preventable illnesses gaya ng diphtheria, tetanus, hepatitis B, at hemophilus influenza type B.
Sa ngayon,, nakapagpamahagi na nag DOH ng 64,400 pentavalent shots sa mga bata para labanan ang muling pagsibol ng pertussis na naihahawa sa pamamagitan ng respiratory droplets at maaaring banta sa buhay.
Ilan sa mga lugar sa Metro Manila at Iloilo city ay nakitaan ng pagtaas ng kaso ng pertussis.
Sa data ng DOH, nasa 453 kaso ng pertussis ang naiatala sa unang 10 linggo ng 2024 kung saan 35 na ang napaulat na nasawi sa naturang sakit.