Inilabas na ng mga kapulisan ang 39 na mga bangkay ng mga Chinese nationals na natagpuan sa loob ng isang trailer trucks sa Essex, England.

Tumagal pa bago matanggal ang mga bangkay sa truck dahil sa inimbestigahan nilang mabuti ang 25-anyos na truck driver na si Mo Robinson.

Matapos ang pagtanggal sa mga bangkay ay isasailalim ang mga ito sa pagsusuri para malaman kung ano ang sanhi ng kamatayan ng mga biktima.

Magugunitang natagpuan ang nasabing bangkay na binubuo ng walong babae at 31 kalalakihan sa loob ng trailer truck na hinihinalang mga biktima ng human trafficking.