Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 383 kaso ng aksidente sa kalsada mula Abril 13 hanggang 19 ngayong taon, na mas mababa ng 32% kumpara sa kaparehong panahon noong 2024 nang pagobserba sa Semana Santa.
Sa kabuuang bilang, 296 kaso ay may kinalaman sa motorsiklo, habang 324 indibidwal ang hindi gumamit ng safety gear gaya ng helmet at seatbelt. Ayon pa sa ulat, 31 katao ang nasa ilalim ng impluwensya ng alak habang nagmamaneho.
Apat na katao naman ang nasawi, lahat ay maykinalaman sa motorcycle accident.
Dahil dito, muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag magmaneho nang pagod o lasing, magsuot ng helmet o seatbelt, sumunod sa speed limit at road signs, at iwasan ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Dagdag ng DOH, na siguraduhin na may sapat na tulog na pito hanggang walong oras bago bumiyahe upang manatiling alerto. Maging kalmado, mahinahon, at magpakita ng pang-unawa sa kapwa motorista para maiwasan ang road rage.