Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang ilan sa ating mga kababayan na mas gaganda pa ang ekonomiya ng ating bansa sa susunod na mga buwan.

Ito ang resulta sa isinagawang survey ng OCTA research mula noong Disyembre 10 hanggang 14, 2023 sa nasa 1,200 na mga adult Filipinos sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.

Dito ay lumalabas na aabot sa 38% na mga Pinoy ang naniniwalang mas lalago pa ang ekonomiya ng Pilipnas sa susunod na anim na buwan.

Pinakamarami sa kanila ay naitala sa Northern Mindanao na mayroong 66% na optimism rate, habang ang Davao Region nama ang nakapagtala ng pinakamababang percentage na 10%, na sinunda naman naman ng MIMAROPA na 12%.

Samantala, sa naturang survey ay naitala rin ang 51% ng mga Pilipino na nagsabing walang maging pagbabago dito, 8% ang naniniwalang mas maging malala ito, at 3% naman ang nagsabi hindi nila alam.