38 kandidata ng Miss Universe Philippines ang nagsimula sa kanilang limang araw na paglilibot sa Eastern Visayas sa pamamagitan ng Flores de Mayo motorcade sa Tacloban City bilang bahagi ng National Costume Competition (NatCos) ng beauty pageant Mayo 13.
Ang paligsahan sa NatCos ay pinangangasiwaan nina Sepaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre, at ang Pamahalaang Lungsod ng Tacloban, Department of Tourism Region 8, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Leyte, at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Samar.
Sinabi ng Speaker, na kumakatawan sa unang distrito ng Leyte, at ni Tingog Rep. Yedda Marie K. Romualdez na umaasa sila na ang limang araw na paglilibot sa Eastern Visayas ng mga kandidato ng Miss Universe Philippines ay makakatulong sa pagpapakita ng magagandang tao sa rehiyon, pati na rin ang mga tourist spot nito at mga bakasyunan.
Isa rin itong pagkakataon upang ipakita sa bansa at sa buong mundo ang kagandahan na maibibigay ng Eastern Visayas.
Ayon kay Rep. Yedda Marie K. Romualdez, dating Binibining Pilipinas International 1996, ng Tingog, sampung taon na ang nakalipas mula nang sirain ng Yolanda ang kanilang rehiyon.
Aniya, ang Silangang Visayas ay bumangon mula sa masamang epekto ng trahedya ng Yolanda at kasalukuyan nang umuunlad.
Una na rito, idedeklara ang mga mananalo sa national costume competition sa Mayo 4.