-- Advertisements --
Balik Pilipinas na rin ang umaabot sa 361 na mga overseas Filipino workers (OFW) mula sa Lebanon matapos na dumating kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito na ang ikalawang chartered flight na matagumpay na naisagawa ng Pilipinas sa Lebanon bilang bahagi pa rin ng mass repatriation matapos ang naganap na pagsabog noong nakalipas na buwan ng Agosto.
Kung maaalala dalawang Pinoy ang nasawi at halos 50 ang sugatan sa malakas na pagsabog mula sa pinag-imbakan ng mga pampasabog.