-- Advertisements --

Makatatangap ng tulong ang 36 LGUs sa Mindanao na nasalanta ng malakas na lindol , bagyo at pagbaha noong 2023 mula sa lokal na pamahalaan ng Makati.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, naglaan sila ng abot sa ₱21.5-million.

Aniya , ang pondong ito ay inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Makati na kung saan makapagbibigay ito ng aabot sa ₱250,000 hanggang sa ₱1-million para sa bawat LGU.

Ang halaga na kanilang matatangap ay deopende pa rins assesment ng pinsala na kanilang natamo.

Sinabi pa ng alkalde na ang inisyatibong ito ay layong makapaghatid ng tulong sa mga nasabing bayan ng sila ay makabangon at muling maisaayos ang kanilang mga komunidad .

Samantala, hinikayat ni Mayor Abby ang mga kapwa nito alkalde sa buong bansa na bigyang halaga ang pagtataguyod ng climate-proof, disaster-ready, at resilient na imprastraktura.

Layon nito na maging handa sa anumang uri ng kalamidad na posibleng tumama sa Pilipinas.