-- Advertisements --
Umabot sa 35 ang naitalang fireworks-related injuries ng Department of Health (DOH-7) sa buong Central Visayas batay sa inilabas na data nito as of January 01, 2023.
Sa nasabing bilang, 16 ay mula sa Probinsiya ng Cebu; 5 sa Lapu-lapu City; parehong 4 sa Bohol, Cebu City at Negros Oriental; at 2 sa Siquijor.
Karaniwang sanhing paputok sa mga naitalang injuries ay ang lantaka na may 8; tig-4 ang dahil kwitis at triangle; at tig dalawa naman sa hotdog, boga, Judas belt at dalawang iba na hindi pa matukoy.
Samantala, nakapagtala rin ang DOH-7 ng dalawang stray bullet injuries. Ang isa ay naiulat sa Cebu Province habang ang isa ay Lapu-Lapu City.










