BOMBO DAGUPAN – Wala nang buhay ng buhay ang isang 35-anyos na lalaki sa bayan ng Sison, Pangasinan nang matagpuan itong nakalambitin mula sa steel beam ng gusali na kanyang pinagtatrabahuan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Teofilo Petalver III, Deputy Chief of Police ng bayan ng Sison, sinabi nito na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na nagulat na may isang insidente ng pagpapatiwakal ang nangyari sa Northern Cement Corporation Compound sa Brgy. Labayug na sa nasabing bayan kung saan ay nakilala ang biktima na si Chaudy Lee Narcisa Bautista, may asawa, construction worker, at residente ng Brgy. Cauringan sa parehong bayan.
Aniya na lumalabas sa kanilang isinagawang imbestigasyon na nadiskubre ni Ginoong Daniel Ablania Llena, 36-anyos, katrabaho ng biktima at residente ng Brgy. Asan Sur sa nasabing bayan, ang biktima na nakabitin sa isang handle strap ng sling tonner bag na nakatali sa kanyang leeg at nakakonekta sa steel truss beam ng ginamit na battery room.
Idineklara naman ng attending physician sa naturang korporasyon na ito ay wala ng buhay dahil matigas na rin itong ang bangkay.
Lumalabas naman sa ocular investigation ng Scene of the Crime Operative Urdaneta City na walang bakas ng foul play sa nangyari ngunit nasabi ng kanyang pamilya lalo na ang asawa at ama nito na may iniinom itong gamot para sa kanyang mental health problem kaya ito ang nakikita ng mga law enforcement agencies at forensic units na dahilan ng pagpapakamatay nito.