Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong dagdag na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas na 3,484.
Gayunman bahagyang bumaba ang mga aktibong kaso ng mga pasyente sa bansa sa 38,982 makalipas ang tatlong araw na nasa mahigit 40,000 ang mga active cases.
Ito ay makaraan din na may 4,473 ang mga bagong nakarekober.
Lumalabas naman sa datos ng DOH na ang Metro Manila ang nakapag-record ng highest number of new cases sa nakalipas na dalawang linggo na umaabot sa 15,888.
Sinusundan ito ng CALABARZON na may 10,148 at Central Luzon na may 5,276. sa Western Visayas naman ay nakapagtala ng 2,823 cases habang sa Cagayan Valley ay merong record na 2,388 fresh infections sa loob ng 14 na araw.
Samantala nasa ikaapat namang linggo na ang ICU utilization rate sa mga ospital sa bansa ay nanatili sa 20 percent.
Sinasabing ang upward trend sa COVID-19 ICU bed occupancy ay napapansing tumataas sa nakalipas na siyam na linggo.