-- Advertisements --
Ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 344 Pilipino mula Dubai ngayong Biyernes Santo, Abril 3.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), lumapag kaninang alas-kwatro ng hapon ang ikapitong government-chartered flight sa Villamor Airbase.
Kabilang sa naturang flight ang 228 overseas Filipino workers (OFWs), 68 kaanak at 48 stranded Filipinos.
Isinagawa ang naturang inisyatiba alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Pilipinong apektado ng krisis sa Gitnang Silangan.
Nakahanda naman ang pamahalaan na magbigay ng tulong medikal, pinansiyal, pamasahe pauwi sa kani-kanilang probinsiya at pansamantalang matutuluyan.
















