-- Advertisements --
Patay ang 34 na katao habang sugatan ang 12 iba pa matapos ang pagbangga ng sinakyan nilang bus isang sasakyan sa Algeria.
Naganap ang aksidente sa national road ng Outoul, Tamanrasset province.
Dinala na sa pagamutan ang mga sugatang biktima.
Dahil sa lakas ng pagkabangga ay nasunog pa ang bus na sangkot sa aksidente.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.