Nailigtas ng mga awtoridad ang 34 na foreign national na nagtatrabaho sa isang Philippine offshore gaming operations (POGO) firm sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos humingi ng tulong sa mga awtoridad ang ilan sa mga biktima.
Tatlo sa mga manggagawa ay Chinese at 31 ay Vietnamese.
Ayon sa impormasyon, ang mga biktima ay pinipilit na magtrabaho sa nasabing ilegal na kumpanya at kalaunan ay ililipat sa ibang firms.
Dagdag dito, apat sa mga Vietnamese ang humingi ng kanilang tulong upang sila ay masagip.
Sinabi naman ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz, na ang kanilang pinagtatrabahuhang kumpanya ay talagang naglilipat o hindi kaya ay talagang nagbabawas ng mga empleyado.
Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang mga kasong isasampa sa utak ng POGO company upang managot sa isinagawang ilegal na aktibidad.