Nahaharap ngayon sa kasong illegal gambling 34 na Chinese nationals matapos maaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Makati City.

Ayon kay NBI senior agent Francis Señora, nagpapatakbo ng isang online casino ang mga naaresto nang walang mga kaukulang dokumento at permit para makapag-operate.

Batay sa ulat ng tanggapan, higit isang taon nang nago-operate ang nadakip na grupo, gayundin na tourist visas at hindi working visa ang hawak ng mga ito na dokumento sa pagpasok ng Pilipinas.

Kabilang sa mga nasamsam ng mga otoridad ang laptops, ports, personal computers, cellphones at iba pang gadgets.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga dayuhan na naaresto.