-- Advertisements --

Kinumpirma ng mga opisyal mula sa Nagasaki Prefecture na mayroong 33 kaso ng coronavirus sa isang Italian cruise ship na nakadaong sa naturang lugar.

Isinailalim ang nasa 57 tripulante ng barko kasama na ang mga cooks nito matapos magpositibo sa virus ang isa nilang kasamahan. Hindi raw kasi malabo na nakahalubilo ng mga ito ang COVID-19 patient.

May sakay na 623 crew members ang Costa Atlantica na kasalukuyang nasa Mitsibushi Heavy Industries shipyard sa Nagasaki port para ipaayos ang barko.

Ayon sa mga opisyal, nasa maayos na kalagayan ang 33 infected at ngayon ay nagpapagaling na.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang central government para tuluyang labanan ang pagkalat ng nakamamatay na virus sa pamamagitan ng agarang medical response at maging pag-disinfect sa cruise ship.