-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 32,744 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 16,385 na gumaling at 156 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.7% (291,618) ang aktibong kaso, 89.7% (3,012,156) na ang gumaling, at 1.59% (53,309) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 19, 2022 habang mayroong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng tatlong laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.