-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nadakip sa mga sabungan ang 32 tao sa Liwan East, Babalag, Rizal, Kalinga at ilang bayan sa Cagayan dahil sa umano’y iligal na pag-ooperate sa mga nabanggit na lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Jet Sayno, Team Leader ng Regional Special operations Group Cordillera (RSOG PRO CAR) na nadakip ang mga pinaghihinalaan kabilang ang 14 na katao sa Solana at Enrile, Cagayan habang 18 katao naman dito ang nagmula sa Babalag, Rizal, Kalinga.

Isinagawa ang operasyon ng operating units ng RSOG, RDEU, Regional Intelligence Division, Rizal Municipal Police Station, PIU-Kalinga PPO, 1503rd MC RMFB 15, 1st at 2nd Company PMFC Kalinga na nagresulta ng pagkakahuli ng mga nabanggit na katao.

Nakuha sa lugar ang bet money na mahigit P5,000 at ilang cockfighting paraphernalia.

Ang Babalag, Rizal ay kilala umanong talpakan.

Nasamsam din ang anim na panabong na manok, isang patay na panabong na manok, isang brown box na may 6 na piraso ng tari at 4 na piraso ng cockbox.

Nagsagawa ang mga otoridad ng illegal gambling operation matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa operasyon ng sabungan nang walang Mayor’s permit.

Kabilang sa mga nadakip ay ang asawa ng utak ng pasugalan.