-- Advertisements --

Nasa 32 katao ang nasawi sa banggaan ng dalawang tren sa Egypt.

Nagtala rin gn 84 katao ang nasugatan sa aksidente na naganap sa Tahta district ng Upper Egypt ng Sohag.

Base inisyal na imbestigasyon isang lalaki ang biglang humila ng emergency break.

Mula sa Aswan patungong Cairo ang train ng tumama sa likod ng isang train na mula sa Luxor patungong Alexandria.
Dinala na sa iba’t-ibang pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Tiniyak naman ni Egyptian President Abdel Fattah el-Sisi na kaniyang papanagutin ang sinumang nasa likod ng aksidente.

Hindi rin papalagpasin ni Prime Minister Mostafa Madbouly ang pangyayari at dapat na may managot sa aksidente.