-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang 32-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ronnel Baldoz residente ng Peter Paul South Subdivision sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, sinasabing habang naglalakad umano pauwi ang biktima ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na agad tumakas matapos ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng bala ng kalibre 45 na baril at isang live ammunition.

Sa ngayon, patuloy pa rin na pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

-- Advertisement --