DAVAO CITY – Isasagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kanilang 31st founding anniversary sa lungsod ng Dabaw na dadaluhan ng mahigit 400 na mga personahe sa Agosto 13 hanggang 15 nitong taon na isasagawa naman sa Davao Crocodile Park.
Ito mismo ang inanunsyo ni FSSupt Richard Arbutante, Regional Director ng BFP XI.
Ayon pa sa opisyal, sa tatlong araw na selebrasyon, isasagawa ang 2022 National Fire Olympics kung saan makikipagkumpetensya ang mga fire rescuers sa pag-apula ng apoy.
Sa kabilang banda, ipinaintindi ng opisyal ang iba’t-ibang mga dahilan kung bakit hindi agad makaresponde ang kabomberohan.
Ito ay dahil sa geographical location, strategic location, at mismong ang mabigat na traffic.
Dagdag pa nito, ang mga lumang mga firetrucks ang pinalitan na ng mga bago bilang bahagi ng modernization and monitoring ng mga fire stations sa syudad.
Ngunit, nilinaw nito na hindi lahat ang mabibigyan dahil hindi one-time ang procurement ng mga fire trucks.
Nilinaw din ni Arbutante na ang BFP ang bibigyan ng mga armas dahil isa sila sa makokonsiderang uniformed service sa ilalim ng Republic Act 9263 o Bureau of Fire Protection (BFP) and Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Professionalization Act of 2004 kung saan isa sila sa mag-a-assist sa Armed Forces of the Philippines kung may mga emergency.