-- Advertisements --

Nasa 31 katao ang nasawi habang pito ang sugatan matapos na sumabog ang isang kainan sa Vinchuan City sa China.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagleak umano ang liquified gas tank sa loob ng restaurant.

Mabilis naman na naaapula ng mga rumespondeng bumbero ang nasabing sunog.

Bago nangyari ang insidente ay nakaamoy ang dalawang empleyado ng kainan ng isang nagleak na gas.