-- Advertisements --
image 210

Ayon sa firefighting authorities, limang bangkay ang na-trap sa ilalim ng tunnel na nilubog ng malakas na pag-ulan sa central South Korea, kung saan umabot na sa 31 ang namatay dulot ng ilang araw na may malakas na pag-ulan sa bansa.

Natagpuan ang limang tao mula sa isang bus na lumubog sa baha sa underpass sa Cheongju nitong Sabado matapos magsimula ang mga rescue worker ng underwater search operations.

Nauna nang sinabi ng Ministry of Interior and Safety na 26 katao ang namatay at 10 pa ang nawawala noong 6 a.m. sabado, dahil sa malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagguho ng lupa at pagbaha sa naturang bansa.

Samantala, ang mga nasawi mula sa baha ay hindi kasama sa datos ng ministry dahil hindi agad malinaw kung ilang tao at sasakyan ang na-trap sa ilalim ng baha.

“We are focusing on the search operation as there’s likely more people there,”
ayon sa kay Seo Jeong-il, head ng west Cheongju fire station.