-- Advertisements --
cropped Palay rice farm farmers harvest 5

Iniulat ng Department of Agriculture na napaaga ang pag-aani ng mga magsasaka sa mahigit 300,000 metiko tonelada ng palay dahil sa pangamba na sisirain ng typhoon Betty ang kanilang mga pananim.

Ayon sa DA, malaking bulto ng naaning palay ay mula sa mga rehiyon ng CAR, I, II, Ill, habang may ilang tonelada rin ang nanggaling sa Bicol region.

Sa pagtaya ng ahensiya, ito ay katumbas ng ₱4.84 bilyon ang halaga ng produksyon.

Samantala, nasa halos pitong libong ektarya rin ng mga pananim na mais ang maagang naani sa CAR, I, Il, Ill, at V.

Batay pa rin sa pagtaya ng DA, ito ay katumbas ng produksyon na 34,954 metriko tonelada at nagkakahalaga ng ₱709 milyon.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ng DA ang assessment report mula sa mga LGU hinggil sa naging epekto ng bagyong Betty sa agri at fisheries sector.

Tiniyak naman ng DA na nakalatag na ang mga planong isasagawa, para sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng bagyo.