-- Advertisements --
image 7

Posibleng mababawasan ng 300 million na trabaho ang buong mundo, dahil sa pagpasok ng Artificial Intelligence.
Ayon sa World Economic Forum, ito ang lumalabas sa kanilang isinagawang survey mula sa 800 na kumpanya sa buong mundo.

Lumalabas pa sa survey na maaaring dahil sa Artificial Intelligence ay makakagawa ng 69Million na trabaho para sa mga tao ngunit sa proseso ay maaaring 83Million na posisyon naman ang matatanggal.

Posibleng magiging epektibo ito hanggag 2027.

Kung susumahin, ang nasabing job loss ay inaasahang papalo ng hanggang 14Million na trabaho o katumbas ng 2% sa kasalukuyang employment sa buong mundo.

Dahil sa AI, posibleng mangangailangan ang mga kumpanya ng mas maraming mga data analysts, scientists, machine specialists, at mga cybersecurity experts. Ang demand para sa mga nasabing trabaho ay maaaring tataas hanggang 30%.

Ang AI ay isang sistema gamit ang mga supercomputers na kayang palitan ang manpower o pagtatrabaho ng tao, sa pamamagitan ng Computer programming/engineering.

Kabilang sa mga trabaho na maaaring gamitan ng AI ay ang computer encoding, data analysis, problem solving, at iba pa.