-- Advertisements --

Inilagay sa high alert ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang nasa 300,000 na sundalo.

Ang nasabing hakbang ay bilang paghahanda sa patuloy na pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Sinabi ni NATO Secretary-General Jens Stoltenberg na dahil sa paglusob ng Russia sa Ukraine ay napilitan ang Sweden at Finland na mag-apply ng kanilang membership sa NATO.

Iginiit pa nito na umatras ang Russia sa makailang beses na panawagan ng NATO ng pag-uusap ng ilang taon.

Mas pinili pa aniya ng Russia ang komprontasyon imbes na dialogue kaya mas maigi aniya na ialerto ang mga sundalo.