-- Advertisements --

Nasa 300 mga empleyado ng Philippine Airlines (PAL) ang tinanggal sa kanilang trabaho.
Ayon sa kompaniya, nagsagawa sila ng business restructuring plan para makabawi sa mga pagkalugi mula sa ipinatupad na mga travel restriction dahil sa banta ng coronavirus.
Tiniyak naman ng kompaniya na makakatanggap ng mga sapat na benepisyo ang mga apektadong empleyado gaya ng karagdagang trip pass privileges at assistance sa pamamagitan ng career counseling at outplacement support.
Dagdag pa ng flag carrier, ang streamlining ay magpapalakas sa kompaniya mula ng sumiklab ang COVID-19.










