-- Advertisements --
bloody sunday killings

Bibigyan ng legal assistance ng Philippine National Police ang nasa 30 police officers na nasangkot sa “Bloody Sunday Killings” na nangyari noong 2021.

Ipinahayag ito ni PNP chief, PGen. Rodolfo Azurin Jr. sa isang press briefing at sinabing kasalukuyan na niyang pinapa-account ang mga nakasuhang pulis upang sila ay matulungan.

Dito ay inamin din ni Azurin na ikinalungkot niya ang iba’t-ibang reklamong inihain laban sa kapulisan dahil para sa kaniya ay ginagawa lamang naman ng mga ito ang kanilang tungkulin.

Dahilan kung bakit niaya hinahangad na maimbestigahan ang kasong ito upang makamit ang hustisya.

Kasabay nito ay nanawagan din si Azurin ng voluntary support sa mga nagdaang PNP chief dahil sa kabila aniya ng mga kasong ito ay ginampanan at naging dedikado aniya ang naturang mga pulis sa kanilang mga tungkulin..

Samantala, kabilang banda naman ay siniguro ni Pnp chief Azurin na tutulungan nila sa lahat ng aspeto ang mga nasangkot na pulis kasabay naman ng pagtiyak na sisikapin nilang sagutin punto por punto ang anumang makita ng imbestigador sa naturang kaso.

Matatandaan na noong March 7, 2021 siyam na indibidwal ang nasawi nang isinagawa ng mga otoridad ang kanilang military-police raids sa iba’t-ibang lalawigan bansa kabilang na ang Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal.